Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lillard Seeding Games MVP

0 283

Maraming sorpresa sa NBA restart sa Orlando.

Winalis ng Suns ang mga laro 8-0 pero kinapos sa playoffs. Paboritong umabante ang Pelicans pero 2-6 lang sa bubble kaya napauwi.

Nagliyab si Damian Lillard.

Isinampa ng dominanteng performance ni Lillard ang Portland sa West play-in at naging unanimous choice bilang Seeding Games MVP.

SM food to go Banner Ad

Inihayag nitong Sabado (Linggo, Manila time) ang awards base lang sa walong seeding games sa Disney World. Mga miyembro ng media na nagko-cover ng seeding games sa bubble ang bumoto.

Nangunguna si Lillard sa scoring sa bubble, may 37.6 points per game. Ang nagselyo sa kanyang MVP award ay ang Dame Time sa final three games para mag-qualify sa play-in.

Una siyang nagpasabog ng career high-tying 61 points, sinundan ng 51 bago 42 sa final seeding game. Sa play-in, naglista si Lillard ng 31 points para itulak ang Portland sa 126-122 win kontra Memphis. Sinelyuhan ng Blazers ang eight seed, hahamunin si LeBron James at ang Lakers sa first round.

Pumangalawa sa botohan si Devin Booker ng Suns, sunod sina TJ Warren ng Pacers, Luka Doncic ng Mavericks at James Harden ng Rockets. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.