Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lillard, T’Blazers pinasabog Lakers

0 77

Nagsanib puwersa sina Damian Lillards at CJ McCollum upang muling gulantangin ng Portland Trail Blazers ang defending champion Los Angeles Lakers, 115-107, sa 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 regular season games Lunes ng gabi sa Staples Center sa California.

Pumukol ng 31 points si Lillard, 21 sa second half, bumakas si McCollum ng 21 markers at 11 assists, habang pinantayan ni Gary Tent Jones Jr ang career-high seven 3-pointers pa-28 pts. sa ikalawang sunod pagsilat ng Blazers sa Lakers sa balwarte nito.

SM food to go Banner Ad

“Hopefully we can build on it,” suma ni Portland coach Terry Stotts na umangat sa 2-1 win-loss record . “We realize that we can be a good team. We just beat the defending champs, and they’re a great team.”

Naka-29 puntos, nine board at six feeds si LeBron James para sa LAL na nagposte ng 2-2 sa teritoryo. May ambag sina Denis Schroder at na 24 pts. Naka-13 pts. at 10 rebs. Si Anthony Davis sa balik mula sa one game rest. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.