Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim, 5 pa sa Istanbul training

0 286

Sinimulan na ng anim sa seven-man national karate team ang two-month Olympic training camp bubble sa Istanbul sa pangunguna ni 2019 PH Southeast Asian Games gold medalist Jamie Christine Lim.

Kasama sina Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KPSFI) president Richard Lim at coach Okay Arpa, puntirya rin nina Fil-Am Joane Orbon, Ivan Agustin, Alwin Batican, Jason Macaalay, at Sharief Afif ang mag-qualify sa quadrennial sportsfest sa July sa Tokyo.

Bago mag-Olympic Qualifying Tournament sa Paris sa June, may sasalihan din ang grupo na Premier League sa Lisbon kung saan sasama si Junna Tuskii na magbubuhat pagsasanay niya sa Japan. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.