Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim, 8 iba pa mangangarate

0 96

Pamumuan nina 2019 PH Southeast Asian Games gold medalists Jamie Christine Lim at Junna Tsukii ang pito katao national karate team na darayo ng Almaty, Kazakhstan sa Biyernes para sumabak sa 2021 Karate Asian Championships sa Disyembre 18-22.

Ang delegasyon ay bubuuin ng senior, junior at cadet players na ilalim nina coach Okay Orpa at Chino Veguillas.

Ang mga senior ay sina Lim, Tsukii, Ivan Agustin, Alwin Batican, Enrico Vasquez, Sakura Alforte, at Remon Misu na lilipad sa alas-12:00 ng hatinggabi sa Dis. 10.

Ipinahayag Lunes ni Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. president Richard Lim na kaya ng pitong senior karateka na makamedalya.

Idinagdag ni Lim na Dis. 23 na ang balik ng national team at ipaggdiriwang ang Kapaskuhan sa hotel quarantine. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.