Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim aabot sa Olympics

0 369

Pagkaaral mabuti sa videos ng nakatakdang makalaban ng kanyang mga bataan sa Final Olympic Qualifying Tournament sa Paris sa June 11-14, nagkumpiyansa Miyerkoles si Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. president Richard Lim na makakasorpresa’t makakasulong sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa July 23-August 8 sina Jamie Christine Lim, Fil-Am Joane Orbon at Fil-Japanese Junna Tsukii.

Magsasadya na sa France mula sa Turkey training camp ang national karate team sa Lunes, May 31 sa halip na sa June 7 pa mula sa unang plano dahil sa pagsailalim pa ng 10 araw ng mga karatista sa isang hotel na kumpleto naman sa training equipments sanhi ng mahigpit na Covid-19 protocol.

Ang iba pang pambato ng ‘Pinas sa three-day qualifier ay sina Ivan Agustin, Sharief Afif, Jason Macaalay at Fil-Japanese Sarah Pangilinan. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.