Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim asam ticket sa Olympics

0 267

Pupuntirya si Jamie Christine Lim ng ticket sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong lang ng July 2021 dahil sa Covid-19 sa paglahok sa World Karate Federation (WKF) Olympic Qualification Tournament 2021 sa Paris, France sa darating na July 11-13.

“Mahirap ang kompetisyon. Hindi dapat magkamali roon,” wika Miyerkoles ng 22-taong gulang, may taas na 5-4 at 30th Southeast Asian Games PH 2019 karate female +61 kilograms kumite gold medalist sa last trip para sa quadrennial sportsfest.

Nakatakdang sumailalim ang anak ni Philippine Basketball Association (PBA) legeng Avelino ‘Samboy’ Lim Jr. sa Philippine Sports Commission (PSC) bubble training simula sa darating na January 4 sa Inspire Sports Academy sa Calamba City.

Ayon naman kay Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KPSFI) president Richard Lim, kailangang mag-top three finish o manalo ng gold, silver o bronze medal ang dalagang karateka sa pinakamalaking laban sa kanyang sport career para makapag-Tokyo Olympics. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.