Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim atat sa dribol, syut

0 115

Magiging parte ng kasaysayan sina veteran internationalists Allana May Lim at Clare Castro nang makabilang sa Parañaque Lady Aces na didribol at syut sa nakatakda sa taong itong professional 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2021.

Anang 32-anyos, may taas na 5-9 at forward na si Lim, malaking bagay sa bansa na magkaroon ng sariling liga zng mga eba upang hindi na sila mangibang bansa pa para lamang mahasa at maipamalas ang talento.

SM food to go Banner Ad

“Sobrang malaking bagay po ito sa amin, sa women’s community at sa Pinay ballers. May masasabi kami na may liga kami na sa amin. Tagal naming hinintay ito,” wika nitong Lunes ng beterana na ng mga paliga sa Malaysia, Nepal, Singapore, Thailand at Indonesia at nag-PH team noong 2015-17.(Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.