Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim, Castro bibida sa Paranaque

0 46

Walo lang ang pick, pero may anim na protected list sa pangunguna nina dating national team stalwarts Allana May Lim at Clare Castro kaya powerhouse pa rin ang Parañaque sa nakatakdang dumribol na 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2021.

Miyembro ang 32-year-old, 5-foot-9 forward na si Lim ng PH team na nag-gold medal sa 2016 Malacca SEABA Women’s 5×5 at nag-bronze sa 2012 Haiyang Asian Beach Games 3×3, at ng champion Far Eastern Lady Tamaraws sa 74th UAAP 2011-12 kung saan siya nag-season MVP.

Isang veteran internationalist na rin naman sa 5×5 at 3×3 ang 24-anyos na Kapampangan, may taas na 6-5 na sentro, former Lady Tam din at marami nang nakuhang parangal sa collegiate league na si Castro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ginanap nitong Sabado ng gabi ang Virtuial 1st WNBL Draft 2021.

Ang apat pang original sa Lady Aces ay sina Jamie Alcoy, Carmina Reyes, Kris Tolentino at Mardyn Tingcang. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.