Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim hinatid na sa huling hantungan

0 187

Dinala na sa kanyang huling hantungan ang abo ni dating Manila Mayor Alfredo Lim sa Manila North Cemetery (MNC) kahapon ng umaga.

Bago inihatid sa MNC, idinaan muna ang urna ni Lim sa Manila City Hall, Manila Police District (MPD) at National Bureau of Investigation (NBI).

Dumiretso rin ang convoy sa Senado sa Pasay City kung saan nagsilbi bilang Senador si Lim noong 2004 hanggang 2007.

SM food to go Banner Ad

Mula sa Manila City Hall, idinaan rin ang abo ni Lim sa Simbahan ng Tondo bago dinala sa MNC para sa inurnment.

Si Lim ay namatay dahil sa COVID-19 na nagkumplikasyon sa kidney sa edad 90 noong Agosto 8 .

Nagsilbi siya bilang City Mayor ng Maynila ng may 12 taon, mula 1992 hanggang 1999 at 2007 hanggang 2013, naging NBI Director at Interior and Local Government Secretary. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.