Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim, iba pang atleta Bubble training na

0 56

Ibinahagi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commisioner Ramon Fernandez na lalarga na ngayong unang linggo ng Enero ang Bubble training ng mga national athlete na hangad makahabol sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang ng July 2021 dahil sa Covid-19.

Tanging apat na atleta pa lang – sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno – ang mga swak na sa quadrennial sportsfest.

SM SuperKidsDay Banner Ad

At at hangad pa ng ahensya na madagdagan pa ang bilang.

“Our bubble training will start this first week of January to really prepare for the Tokyo Olympics,” lahad ni Fernandez sa Power & Play ni Noli Eala nitong Linggo.

Isa pa sa inaasahan ng ahensya na makakapasok sa Olympics na mangunguna Bulle training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba City si karateka Jamie Christine Lim, na-lockdown sa Malaysia na si weightlifter Hidilyn Diaz, skateboarder Margielyn Didal, judoka Kiyomi Watanabe, golfers Yuka Saso at Bianca Pagdanganan at ilan pang mga boksingero’t karatista, at iba pa. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.