Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim kinabog ang Turkish karateka

0 359

Puspusan pa rin ang paghahanda at pag-eensayo ni Tokyo Olympics hopeful, karateka star Jamie Christine Lim at ng national team na kasalukuyang nasa Europe para Turkey training camp bubble.

Sa mga inirepost na Instagram story Linggo ng 2019 Philippine Southeast Asian Games women’s kumite +61kg. champion, makikita ang pakikipag-sparring sessions ng PH squad sa mga kinabog na Turkey nationals.

SM food to go Banner Ad

Kasama ni Lim European nation na nagpiprepara rin para sa Olypmic Qualifying Tournament sa Paris sa June, sina Joane Orbon, Ivan Agustin, Shariff Afif, Alwyn Batican at Jason Macaalay.

Tiwala si Karate Pilipinas Sports Federation Inc. president Richard Lim na may magku-qaulify na karatistang Pinoy sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inatrasado lang ng pandemic sa darating na July 23-August 8. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.