Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim kinarate 3 karibal

0 149

Umabante sa finals ng senior female kumite -61 kilogram ng 17th Asian Senior Karate Championships si Jamie Christine Lim nang magpasiklab sa pagragasa ng tatlong panalo sa Baluan Sholak Palace of Culture and Sports sa Almaty, Kazakhstan nitong Martes.

Umariba ang 24-year-old, 5-foot-8 Pinay karateka, 2019 PH Southeast Asian Games gold medalist at isa sa mga top bet dito ng Karate Pilipinas Sports Federation Inc. , ang mga karibal na sina Chih-Ling Ku ng Chinese Taipei 5-4, Kymbat Toitonova ng Kyrgyzstan, 1-0, at Joud Aldrous ng Jordan, 1-0.

SM food to go Banner Ad

Makakabangga ni Lim sa gold medal match si Sarah Alameri ng United Arab Emirates ngayong Miyerkoles.

Pumalaot din si Junna Tsukii sa finals ng senior female kumite -50kg. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.