Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim kumpiyansa sa Paris karatefest

0 229

ISA si Jamie Christine Lim ng Philippine Karate Team na kasalukuyang nagsasanay sa Istanbul, Turkey na pa-Paris, France ngayong Lunes ng umaga upang pumuntirya ng ticket para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog ng pandemya sa darating na July 23-August 8.

Malakas ang kutob ni Karate Pilipinas Sports Federation Inc. president Richard Lim, na isa si Lim na makakakuha ng passes pa-Tokyo Games kapag sumalang na ang PH squad sa last Olympic Qualifying Tournament sa Paris na nakatakda sa June 11-14.

SM food to go Banner Ad

Ang iba pang Olympic hopefuls ay sina Joane Orbon, Ivan Agustin, Sharief Afif, Sarah Pangilinan at Jason Macaalay na nasa Turkey sa ilalim ni coach Okay Arpa.

Nagsasanay naman si Junna Tsukii sa Serbia at diretso nang magtutungo sa France sa Hunyo 6. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.