Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim, mga kasama sa 3 torneo

0 53

May tatlong lalahukang torneo si 2019 PH Southeast Asian Games women’s karate gold medalist Jamie Christine Lim at limang kasamahan bago sumalang sa World Olympic Qualification Tournament sa June 11-13 sa Paris, France.

SM food to go Banner Ad

Napag-alaman nitong Martes kay Karate Pilipinas Sports Federation Inc . (KPSFI) president Richard Lim, na sasailalim sina Lim, Alwyn Batican, Ivan Agustin at Sharief Afif sa Inspire Sports Academy bubble training camp sa Calamba, Laguna hanggang sa umalis sa February 14 pa-World Karate Federation (WKF) Premier League sa Lisbon, Portugal.

Sasama sina Junna Tsukii at Joan Orbon sa koponan sa Lisbon at saka magtutungo ang anim sa kanilang kampo sa pagsasanay sa Turkey bago ang WKF PL uli sa March 9-19 sa Azerbaijan at Asian Indoor and Martial Arts Games sa Thailand sa May 21-30. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.