Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karateka Lim puwede rin sa dancesport

0 221

Kung maiispatan lang marahil ng mga taga-Philippine Dancesport Federation ang Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. star na si Jamie Christine Lim, baka i-recruit ang 32nd Summer Olympic Games 2020 Tokyo, Japan hopeful dahil sa mga astig na da-move.

Nakakaapat na post na sa Instagram sa dalawang linggo ang 2019 PH Southeast Asian Games women’s karate +61kg kumite gold medal winner, pinaglaladlaran ang tinik sa pagsayaw na kinagigiliwan ng mga netizen.

Sa latest na pinaskil nitong Martes ng 2019 BSMatch UP-Diliman summa cum laude, pinakita niyang muli ang tikas na maaring nagpakabog na sa mga national dancesport athlete.

“Get crazy,” aniya.

Kasalukuyang nasa Europe si Lim kasama ang limang pang national karatekas na tropa para sa Turkey training camp bubble at pagsabak sa Olympic Qualifying Tournament sa Paris sa June 11-13. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.