Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim sa Baguio bubble training

0 71

Nagsimula na nitong weekend si PH 2019 Southeast Asian Games karate gold medalist Jamie Christine Lim sa kanyang bubble training sa Baguio City upang paghandaan ang dalawang international competition sa taong ito at sa 2022.

Kasama ng anak ni Philippine Basketball Association legend Avelino ‘Samboy’ Lim Jr., ang 10 national teammates at apat na coach kabilang si Turkish Okay Arpa sa Summer Capital.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Planong pasabakin ni Karate Pilipinas Sports Federation president Richard Lim si Jamie at tropa sa 6th World Championships sa November sa Dubai at sa SEA Games sa Vietnam sa May. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.