Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim sinilat ang world champ

0 63

Pasiklab si Jamie Christine Lim nang silatin si 23rd Linz World Karate Championships 2016 gold medal winner Alisa Buchinger ng Austria 3-2 sa 2021 Karate Olympic Qualification Tournament women’s kumite +61kg Round of 64 via 3-2 win sa Stade Pierre De Coubertin sa Paris, France Linggo ng hapon.

Pero hindi pinalad ang regning Southeast Asian Games titlist sa Last 32 laban kay Jami Chehinez ng Tunisia, 2-7, upang hindi makasampa sa ‘Sweet 16’ at mamaalam na rin sa puntiryang ticket sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inatrasado ng COVID-19 sa parating na Hulyo.

SM food to go Banner Ad

Sinamahan na rin ng dalagang anak ni Philippine basketball Association (PBA) great Avelino Samboy’ Lim Jr. niya ang mga katropa sa Karate Pilipinas Sports Federation Inc. na mga sumalto sa Tokyo Olympics slot.

Sila ay sina Junna Tsukii, Jason Ramil Macaalay, Ivan Christopher Agustin, Jericho Vasquez, Joane Orbon at Sarah Pangilinan. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.