Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lim tuwid ang daan pa-Tokyo

0 288

Lumiliwanag na ang daan nina 30th Southeast Asian Games PH 2019 karate champions Jamie Christine Lim at Junna Tsukii patungong 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan

Ito’y dahil makakalahok sila sa mga Olympic Qualiying Tournament sa papasok na taon na landas nila para makakopo ng mga lemadya at makakuha ng tiket sa naurong na quadrennial sportsfest.

“They have to medal in the Karate Olympic Qualifying Tournament to gain entry to the Olympics,’’ saad kahapon ni Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KPSFI) president Richard Lim.

Naudlot ang mga KOQT noong Mayo matapos sunpendihin ang lahat ng biyahe sa ibang bansa dahil sa pamiminsala ng coronavirus disease.

Bukod kina Tsukii (-50 kilograms) at Lim (+61 kg), hinayag ng karatedo chief na may tsansa pa rin sina Joane Bernice Orbon (-61kg) sa womn’s division, at sa men’s kumite sina Sharief Afif (+75kg), Ivan Agustin (-75kg) at Alwyn Batican (-67kg). (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.