Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Limit sa pagbili ng disinfectant binura na ng DTI

0 55

Inalis na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ipinatutupad na `limit’ sa pagbili ng disinfectants, sanitizers at face masks.

Sa ipinalabas na Memorandum Circular No. 20-25 nitong Oktubre 15, inalis ang limitasyon sa mga produkto na unang sakop ng dating MC No. 20-36 Series of 2020 gaya ng disinfecting alcohols, hand sanitizers, disinfecting liquids, at face masks N95 at N88.

Sa ilalim ng MC 20-36, ang mga mamimili ay maari lamang makabili ng isang box ng 50 facemask, 5 botelya ng alkohol at hand sanitizers, at 3 disinfectants na mas mababa sa sukat na 1 litro.

Ayon kay Lopez, tiniyak ng mga manufacturers na sapat na ang supply ng mga nabanggit na produkto.

Bukod pa ang Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases Resolution No. 75-A na inisyu noong Setyembre 28,2020 ay niluwagan na ang ipinatutupad na restriksiyon sa quarantine. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.