Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Limitado sa pasabog: Vice, Vhong, Kim kapos sa budget

0 269

Espesyal na Magpasikat performances ang ihahanda ng hosts ng “It’s Showtime’ bilang regalo sa ika-11 nitong anibersaryo ngayong linggo.

Magaganap na sa Sabado (Oktubre 31) ang inaabangang taunang Magpasikat competition tampok ang sari-saring pasabog ng apat na teams kabilang na ang pagsasanib-pwersa nina Vice Ganda at ang first timer na si Kim Chiu, samantalang magkakagrupo naman sina Vhong Navarro, Amy Perez, at Jackie Gonzaga.

Magiging magkakampi namang muli sina Karylle at Jhong Hilario kasama si Ion Perez, at tatak-Jugs and Teddy rin ang handog na performance ng tandem kasama si Ryan Bang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bagama’t limitado ang mga pasabog nila dahil sa kasalukuyang quarantine, tiniyak ng buong “It’s Showtime” family na maaaliw ang madlang people sa ihahain nilang performances.

“Kahit mahirap ang kondisyones, mahirap mag-perform ngayon kasi may mga safety protocol tayong susundin. Limitado ang budget at tao kasi hindi tayo masyadong pwedeng mag-aksaya. We will still try to deliver a good form of entertainment. Serbisyo sa pamamagitan ng entertainment – ibibigay po namin sa inyo ‘yan,” pahayag ni Vice.

“Eleven Up Ang Samahan” ang tema ng kanilang selebrasyon.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.