Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Limitasyon sa pagbili ng face mask niluwagan na

0 173

Niluwagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang limitasyon sa pagbili ng face masks, alcohol, disinfectant at iba pang pangunahing bilihin.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ito ay dahil bumalik na sa normal ang supply ng nasabing mga produkto sa merkado.

Nilimitahan ng ahensya ang pagbili sa face mask, alcohol at disinfectant nang magtaas ang demand sa mga ito simula noong Marso dahil sa takot ng publiko sa Covid-19.

Sinabi ni Lopez na maaari ng makabili ng hanggang isang kahon ng face mask na may lamang 50 piraso kumpara sa dati lang na limang piraso kada customer.

Samantala, maaaari na ring makabili ng hanggang limang bote ng alcohol, sanitizer at disinfecting liquid kung ito ay may daming isang litro pababa. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.