Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Limketkai Center, sports shop namumuro sa parusa

0 204

Posibleng mapatawan ng multa ang Chinese mall sa Cagayan de Oro City at ang sports shop sa loob nito dahil sa paglabag sa health protocol matapos na dagsain ng daan-daang katao ang isinagawang promo sale ng sapatos at iba pang item noong Sabado.

Ayon kay Atty. Jose Edgardo Uy ng Regulatory Compliance Board (RCB) ng Cagayan de Oro City, kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang inter-agency task force hinggil sa insidente.

Sinabi ni Uy na habang nag-iimbestiga pa ay pinatigil muna ng kanyang tanggapan ang promo sale hangga’t hindi tinitiyak ng sangkot na sports shop sa pamahalaang lokal at sa pamunuan ng mall ang pagsunod nila sa health protocol.

Sabi pa ni Uy, Planet Sports shop ang sangkot sa insidente na magsasagawa dapat ng promo sale mula noong Sabado, Agosto 15 hanggang sa Agosto 21 para sa mga discounted na branded shoes at iba pang item.

Sa Limketkai Center naman ang mall kung saan naganap ang promo sale ng naturang sports shop.

Kumalat sa social media ang mga litrato ng insidente kung saan ipinakita ang mga tao na dumagsa sa loob ng mall noong Sabado.

Isang Dr. Charles Marquez, na nagkataong nasa mall para magsagawa ng flu at pneumonia vaccination sa isang pharmacy sa loob ng Limketkai Center, ang nagsabing nasa 500 katao ang dumagsa sa promo sale kung kaya’t hindi na nasunod ang physical distancing.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng Limketkai Center sa nangyaring kapalpakan.

Sa kanilang Facebook page, ipinahayag ng mall management na pinatigil muna nila ang sports warehouse clearance sale at sinigurong susunod sila sa mga panuntunan ng gobyerno para sa kaligtasan at seguridad ng lahat. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.