Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Limot’

0 149

“Kailangan pa bang imemorize ‘yan, bisyo na ‘to!”

Ito ang dating tagline ng isang sikat na radio station.

Mula kay Rolly hanggang kay Ulysses ngayong 2020 ay tila nanumbalik ang ala-ala ng tropical storm Ondoy(2009) at supertyphoon Yolanda (2013).

Personal kong nasaksihan ang mga sakunang ito bilangcommunication specialist noon ng isang humanitarian organization.

Hawak ng naturang dalawang disaster ang record sahistory ng bansa sa pagiging mgapinakamapaminsalang bagyo.

Ngunit anomang hagupit at delubyo na idinulot ng mgabagyo ay parang naging mga #forgotten disaster na.

Inanod din ang mga aral sa emergency management mula sa mga pagsalantang naganap sa loob ng isangdekada.

Bumaha muli ng pasahan ng sisi ang mga nasapamahalaan gayundin ang mga residente na apektadong magkasunod na bagyo.

Nanumbalik tuloy ang usapin ukol sa pagkakaroon ng short-term memory o pagiging makakalimutin ng mgaPilipino.

Ito ay taliwas sa pagkakaroon ng batas noong 2010 nabunga ng bagyong Ondoy, ang RA 10121 o Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Act.

Ayon sa mga dalubhasa, layon ng DRRM Law ang pagbabago ng pananaw ukol sa disaster.

Mangunguna ang pamahalaang lokal at may malawakang partisipasyon ng iba’t

ibang sektor mula sa dati na nakasentrongpamamahala.

Ang disaster ay dulot ng pagsasanib ng panganib at pagkalantad ng bulnerableng komunidad na noon ay paniniwala na ang disaster ay dulot lang ng mgapanganib.

Nakapaloob sa kaunlaran para mabawasan ang risk samga kalamidad na galing noon sa payak na pagtutok sapaghahanda at pagtugon sa mga disaster.

Ang mga stratehiya ng DRRM Law ay 1. Epektibongintegrasyon ng pagtingin sa mga disaster risk sa mgapolisiya, plano at programang pangkaunlaran sa lahatng antas at ang pag‐iwas at pagbawas ng epekto ngmga panganib (mitigation), at paghahanda sa mgadisaster at pagbawas ng mga kahinaan. 2. Pag‐unlad at pagpapalakas ng mga institusyon, mekanismo at kapasidad sa lahat ng antas. 3. Sistematikong pagsamang pamamaraan sa pagbawas ng risk sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang paghahanda, pagtugon at pagbangon mula sa mga disaster ng mganapinsalang pamayanan.

Isang batayang prinsipyo sa DRRM ay “nagigingdisaster lamang ang mga panganib kung tumama ito samga taong mataas ang bulnerabilidad. Tumataas angpinsala sa mga mahihirap, mga may sakit at maykapansanan, mga matatanda at mga kabataan, at mgakababaihan. Bagamat maraming tao ang napipinsala, higit na nahihirapang humarap at makabangon ang mganasa bulnerableng sektor kapag tinamaan ng disaster”(DRRNP, 2010).

Anyare?

Matapos ang 10 taon, may nabago nga ba sa ating pag-iisip ukol sa disaster?

Natuon ba ang pansin natin sa risk assessment at pagbawas ng bulnerabilidad?

Lumikas na ba ang mga nakatira sa danger zones?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Di na ba pinayagan ang mga logging company sapagputol ng mga puno sa mga kabundukan?

Inalagaan na ba ang mga watershed?

Namahala at naghanda na ba ang pamahalaan?

Gumana ba ang knowledge management o ang pagpapalakas at pagpapalawak ng kaalaman ukol saemergency?

Kung ganon, bakit nawala ang template o hulmahan, mga naitalang lessons learned session at evaluation ngOndoy at Yolanda?

Kumilos na ba ang gobyerno at mga mamamayan ukolsa global warming at climate change?

‘Di na ba nagtatapon ng basura ang mga tao kung saan-saan?

May nag-aral na ba ukol sa urban planning at engineering na akma sa nagbabagong klima ng mundo?

‘Yan ang dapat sana ay unahin bigyang-pansin kaysa magturuan muli ang lahat kung sino ang may kasalanansa dinaranas nating epekto ng mga kalamidad.

Balikan natin kung may maiksi nga ba ang memorya ngmga Pilipino sa gitna ng mga pagsubok habang patuloyang edukasyon at impormasyon sa mga banta at panganib na dulot ng mga sakuna.

Ang short-term memory ang sanhi ng pananatili sapwesto ng mga umaabuso sa yaman ng bansa lalo naang natural resources na kinalbo na.

History tends to repeats itself and the lessons of the pastshould have been the key to a better and progressivepresent.

Ngunit kung pag-uusapan ang DRRM ay tila bumabaliktayo sa square one.

Nasayang ang mga oportunidad na dulot ng mgakaranasan natin sa disaster dahil sa ating bad sense of history.

Ang Pilipinas pa naman ay itinuturing na 24/7 natindahan para sa lahat ng uri ng kalamidad daig pa angmga convenience store.

Naging gawi na nga ba sa buhay o way of life natin angpagiging makakalimutin?

Pagkalipas ba ng mga bagyo at makaahon ang mgakababayan natin ay magkakaroon na tayo ngpagpapahalaga sa kalikasan at accountability?

Mas may disiplina na kaya ang bawat isa lalo na saemergency preparedness?

Kailangan na natin na magbalik-tanaw bilang antidote samga negatibong epekto ng short-term memory sakalagayan ng ating bansa.

Dapat na tayong matuto sa bakas ng lumipas namadalas ay mapait dahil sa pagkawala ng mga mahal natin buhay kasabay ang paglaho ng mga kabuhayan.

‘Di ito madaling makalimutan o mapatawad bagamat itoay ang aral para maging masaya at maunlad sahinaharap.

Isapuso at isaisip natin ito tungo sa isang bagongumaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.