Abante Tonite Interactive

Lim,UE inalipin si Canizares ng La Salle

By
1,682

KINAWAWA ni reigning Most Valuable Player, (MVP) AJ Lim si LA Canizares, 6-0, 6-3 upang akbayan ang defending champion University of the East sa panalo kontra De La Salle, 4-1 kahapon sa 80th UAAP men’s lawn tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.

Bukod kay Lim ang ibang Red Warriors na nagwagi sa singles event ay sina Josshua Kinaadman kontra Rey Mayo, 6-1, 6-0 at Dolfo Barquin laban kay Betto Orendain na umayaw sa third set, 3-6, 7-6, 3-0.

Dahil sa panalo, nakumpleto ng Red Warriors ang first round sweep matapos ang apat na ties.

Abante Hiring – IT dep

Sumagot ng panalo ang Green Archers sa first double matapos manaig nina Rogelio Estaño at RJ Saga kina Hans Asistio at Kyle Parpan, 6-3, 6-4 pero tinapos ng Red Warriors ang laban sa second doubles, pinayuko nina Jonah Cano at Qoqo Allian sina Jeric delos Santos at Justine Guira, 6-2, 7-6.

Malinis din ang karta ng last year’s runner-up University of Sto. Tomas sa women’s division.

Nginasab ng Tigresses ang University of the Philippines, 5-0.

Nagpasiklab sa singles para sa UST sina Erika Manduriao na hinataw ang 6-1, 6-1 panalo laban kay Willow Day, Kendies Malinis na kinalos si Danielle Carranza, 6-1, 6-3 at Monica Cruz na pinabagsak si Dana Uy, 6-1, 6-1.

Nagwagi sa doubles sina Precian Rivera at Ingrid Gonzales kina Therese Tan at Agnes Flores, 6-1, 6-1, at Genevieve Caorte at Meanne San Jose laban kina Monica Cortez at Denise Gonzales, 6-3, 7-5.