Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Linconn Ong ipatatapon sa Bilibid ng Senado

0 77

Nainis dahil sa pagiging mailap sa pagsagot sa tanong ng mga senador kaya itinulak ng mga senador ilipat sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City si Pharmally Pharmaceutical Corporation director Linconn Ong.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate blue ribbon committee, tumanggi si Ong [kasalukuyang nakakulong sa Senado], na ibunyag ang halaga ng perang pinautang ni dating presidential economic adviser Michael Yang sa Pharmally para makapag-supply ng malaking bulto ng medical supply sa gobyerno.

“Mr. chairman perhaps we should have him transferred to the New Bilibid Prison. Perhaps there he would have the chance to reflect more on his answers kasi paiba-iba eh,” sabi ni Senador Francis Pangilinan.

Sabi ni Ong, hindi umano niya maalala kung magkano ang pinahiram ni Yang sa kanilang kumpanya. Hindi naman nagustuhan ni Pangilinan ang sagot ni Ong.

Sinegundahan naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mosyon ni Pangilian.

“I join the motion of Senator Pangilinan, I second the motion to move Mr. Ong to the NBP, in view of his refusal to answer, bordering on perjury on a legitimate question, on valid questions that we raised,” ani Drilon. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.