Abante Tonite Interactive

LINDOL ULIT SA DAVAO!

By
6

Niyanig ulit ng magkakasunod na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Sa earthquake monitoring ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs), tatlong magkakasunod na lindol ang muling tumama sa bayan ng Governor Generoso.

Tumama kaninang alas-7:22 ng gabi ang magnitude 4.5 na lindol at ang epicenter nito ay nasa 237 kilometro silangan ng bayan ng Governor Generoso.

Bago ito, tumama ang magnitude 3.3 at magnitude 3.7 kaninang alas-6:42 at alas-7:05 ng gabi.

Makailang beses nang niyayanig ng magkakasunod na lindol ang Davao Oriental.

Kaninang umaga simula alas-10:44 ng umaga hanggang alas-11:03 ng tanghali, muling niyanig ang bayan ng Governor Generoso ng magkakasunod na magnitude 4.4, magnitude 4.5 at magnitude 4.8 na lindol.

Kahapon, tumama rito ang magnitude 5.7 na pagyanig dakong alas-6:38 ng gabi at sinundan ito ng magnitude 5.1 pagkalipas ng tatlumpung minuto.