Abante Tonite Interactive

Lindsay Lohan itinanggi ang pakikipag-date sa ME

0 403

Malakas ang bulung-bulungan na nakikipag-date si Lindsay Lohan sa prinsipe ng Saudi Arabia.

Usap-usapang si Mohammed bin Salman – na kilala bilang MbS – ay panay ang travel sa iba’t ibang parte ng mundo sakay sa kanyang private jet para ipamili ng mamahaling regalo si Lohan.

Kinumpirma ng isang taong malapit sa kanila na sina MbS at Lohan ay matagal nang magkaka­kilala. Nagpapalitan daw ang mga ito ng text messages.

Pero, mabilis na pinabulaanan ng representative ni Lohan ang isyu.
Sinabing ang da­lawa ay isang beses pa lang nagkita sa Formula One Grand Prix noong 2018.

Anyway, ang prinsipe ng Saudi Arabia ay isa sa pinakamayamang tao sa mundo – ang kanyang net worth ay tinatayang nasa $3 bilyon – at isa pa ay kasal siya at may apat na anak.

Si Lohan naman ay madalas magtanghal sa Dubai noong mga nakaraang taon. Napaka-popular niya sa Middle East.

Nag-aral din siya ng Islam at tinangka niyang matuto ng mara­ming wika. (Lourdes Fabian)