Abante Tonite Interactive

Lineman buwis-buhay sa pagtanggal ng saranggola sa kable

0 638

Buwis-buhay na tumulay sa kable ng kuryente ang isang lineman ng Meralco para lamang matanggal ang sumabit na saranggola.

Sa Facebook post ng netizen na si Ghala Era, marami ang napabilib sa tapang at pagtupad sa kanyang tungkulin ng lineman na nasa larawan para lamang di makapaminsala sa tuluy-tuloy na daloy ng kuryente ang sumabit na saranggola.

Nauna nang nakiusap ang Meralco sa publiko na iwasang magpalipad ng saranggola sa mga lugar na malapit sa mga kable ng kuryente.

Ito ay dahil na rin sa perwisyong dinanas ng mga residente sa iba’t ibang lugar matapos mag-brownout dulot ng mga sumabit at humambalang na saranggola.

Maliban dito ay isa rin ito sa pinagmumulan ng sunog na labis na nakakaapekto lalo pa’t kailangan ang suplay ngayon ng kuryente partikular na sa mga quarantine facilities.

Dahil naman sa kabayahinan at makapigil-hiningang ipinamalas ng lineman ay marami ang napa-wow kasabay ng pag-viral ng kanyang larawan. (ME)

Tonite – Wendys Inhouse Ad