Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lineman nangisay sa tuktok ng poste

0 253

PATAY ang isang lineman sa Capiz nang makuryente habang nagkukumpuni ng kawad sa poste sa Tapaz.

Sa report, nag-ayos ng kawad sa Barangay Malitbog si Regie Argañosa, 27, taga- Barangay San Antonio, Lunes ng gabi, kasunod ng nangyaring brownout sa lugar.

Nang maibalik na ang linya ng kuryente ay posibleng nahawakan ng biktima ang livewire habang nasa itaas ng poste na sanhi ng kanyang pagkakuryente, ayon sa awtoridad.

Kaagad na rumesponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Tapaz at mga tauhan ng CAPELCO at dinala sa ospital ang biktima pero idineklara ng dead on arrival. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.