Abante Tonite Interactive

Linggo ng Palaspas kahit anong dahon pwede-CBCP

547

Maari umanong gumamit ng kahit anong halaman na may sanga at dahon bilang palaspas at hindi muna pahihintulutan ang Bisita Iglesia na nakagawian tuwing Mahal na Araw.

Ayon sa Catholic Bishops of the Philippines (CBCP), ang selebrasyon ng Semana Santa ay gagawing online muna dahil sa COVID-19 .

Bukas ay magsisimula na ang hudyat ng Semanta Santa sa Linggo ng Palaspas at sa unang pagkakataon, lahat ng mga misa at mga aktibidad ay mapapanood lang sa internet dahil sa ipinapatupad ng Luzon-wide lockdown ng gobyerno.

Maaring manood ng misa sa bahay at pwede umanong gumamit ng anumang uri ng halaman na may sanga at dahoon para gamiting palaspas . Maaaring umanong mabasbasan ang mga palaspas sa pamamagitan ng pakikinig sa salita ng Diyos na sasabihin ng pari sa misa.

Kung walang palaspas, maaaring gamitin ang kahit anong sanga na may dahon o kung anumang halaman na mayroon sa bahay. Hindi na rin umano kailangan ng Holy Water sa pagbasbas ng palaspas simbolo nang pagsisimula ng Semana Santa.

Sinabi pa ng CBCP na online din ang mga misa sa buong Holy Week hanggang Easter Sunday. Hindi na muna itutuloy ang mga nakagawiang mga aktibidad gaya ng Bisita Iglesia, Siete Palabras, Good Friday procession at Salubong sa Easter Sunday.

Paalala ng CBCP na ang pinakamahalaga ay ang taimtim na pakikinig sa misa at pagdarasal.

Samantala sa Cebu, tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas at ang pagbabasbas nito ngunit sa pamamagitan na lamang ng internet.

Ayon sa Archdiocese of Cebu, magkakaroon pa rin ng unang araw ng kuwaresma na isang tradisyunal na ginagawa ngayong araw ng Palm Sunday.

Magaganap ang pagbabasbas ng mga palaspas sa pamamagitan -live stream mula sa mga simbahan.

Ayon kay Fr. Mhar Vincent Balili, parish priest of the Mary Help of Christians Parish sa Barangay Buhisan, Cebu City, sa Facebook naman nila ila-live stream ang kanilang misa. (Riz Dominguez/ Juliet de Loza-Cudia/Vick Aquino)

Tonite – Wendys Inhouse Ad