Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lipad lipad sa astral

0 83

Mga ka-Misteryo ilang beses niyo na bang naranasan ang paglipad sa astral dimensyon?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Esther ng Las Piñas ay nag-enjoy sa kanyang paglipad sa astral dimension dahil kasabay niya dito ang isang puting pusa.

Nang tanungin siya ng Misteryo, malinaw niyang naibahagi ang kanyang karanasan.

Misteryo: “Paano nagsimula yung flight experience mo sa astral?”

Esther: “Naglalakad ako nun sa isang pasilyo parang sa gilid lang yun ng bahay namin. Then may puting pusa na sumulpot sa tabi ng kalye.”

Misteryo:”Anong sumunod na nangyari nang makita mo yung puting pusa? Hinabol ka ba? Kinalmot ka ba? Hostile ba siya?”

Esther: “Hindi naman siya hostile pero nahihiwagaan ako sa kanya anyway astral naman yun so anything is possible. Pwedeng engkanto o spirit yung white cat di ba?”

Misteryo: “Pwede naman kasi they can change form in the astral kahit dito sa physical plane. Pero anong nangyari sabi mo kasi lumipad ka?”

Esther: “Heto gusto ko na siyang iwan kasi ayaw ko sayangin yung naka-astral ako so nag-try ako na umangat nagawa ko naman lumutang ako. Nagulat ako tumalon ng mataas yung white cat at lumutang din siya.”

Misteryo: “Wow! So sumunod siya sayo then ano pa nangyari?”

Esther: “Nag-try ako na taasan pa ang paglutang ko I think nasa 350 feet ako, sumunod pa rin si white cat.”

Misteryo: “Ayaw ka hiwalayan ng pusa. Baka naman tinaasan mo pa ang lipad mo?”

Esther: “Yes Ganun nga ginawa ko nasa 450 feet na pala ako nun more or less sumunod talaga ang pusa. Kaya ang ginawa ko binilisan ko ang lipad at nakasunod siya sa akin until the time na nagising na ako nakabalik na ako sa physical.”

Misteryo: “Kung tatanungin mo ko that cat is one of your spirit guides kasi very protective siya at sinamahan ka sa astral flight mo.”

Esther: “Yes I believe isa siya sa guides ko kaya happy ako when I saw him, may bonding time pa kami.”

Kayo mga ka-Misteryo Ano ang astral experience niyo? Mag-email sa misteryophilhet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.