Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lipat-selda sa mga preso bawal pa

0 52

Pinalawig pa ng Supreme Court (SC) hanggang sa Setyembre 30, 2020 ang paglipat ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa ibang detention cell bilang bahagi ng pag-iingat para mapigilan ang pagkakahawa ng COVID19.

Sa inisyu na circular issued ni Court Administrator Jose Midas P. Marquez, ang mga nasa ban ay iyong mga nasa detention ng Philippine National Police (PNP) na minamantina ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Gayundin ang paglilipat ng PDL mula sa BJMP sa Bureau of Corrections (BuCor) gaya ng National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.