Abante Tonite Interactive

Lipat TNT ni Erram binasura uli

579

Naudlot muli sa makailang pagkakataon ang inaasam na tatlong koponang trade na nakasentro sa paglipat ni John Paul ‘Poy’ Erram sa TNT (Talk ‘N Text) nang hindi pa rin aprubahan ng Philippine Basketball Association (PBA) Trade Committee.

Napag-alaman ng TONITE na swak sa basurahan ang ilang beses na pinagdiskusyunang swap sa pagitan ng TNT, NLEX at Blackwater matapos na unang rebisahin at ipabago ang isinumiteng dokumento ng komite.

“The latest revision of the Poy Erram trade has been rejected again by the PBA trade committee. Having Yousef Taha as additional player was not accepted,” ayon sa isang source.

Idinahilan ng Committee na mas malaking bentahe ang makukuha ng KaTropa sa pagkuha sa serbisyo ni 6-foot-8 center Erram at sa 1st round pick ng Elite na hindi naman magbibigay ng sinumang key player.

Pinakahuling sinahog ng TNT para masungkit ang serbisyo ni Erram sa Road Warriors si Yousef Taha at tatlong future draft pick kabilang ang isang first round selection sa taong 2023.

Sa kabuuan ay tatlong kasalukuyang player ang mawawala sa TNT dahil sa trade na kinabibilangan nina Taha, Eduardo Daquioag Jr., at Marion Magat kasama ang isang draft pick para lang kay Erram. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad