Abante Tonite Interactive

Lips ni Arci kinain ni Pepe

598

Walang duda na marami ang tiyak na maaaliw sa ‘John En Martian’, ang pina­kabagong palabas na pinagbibidahan nina Pepe Herrera at Arci Muñoz na matutunghayan sa iWant simula ngayong April 14.

Ang five-part comedy at intergalactic fantansya ay tungkol sa isang Martian, si Prinsesa 223 na hindi sinasadyang mapapadpad sa primitive planet Earth at magiging katuwang, katulong at puwedeng makaromansahan niya ang earthling na si John.

Sa dalawang episode na ipinalabas, ang kuwelang-kuwela ay ang shape shifting transformation ni Princess 223 partikular na ang kanyang pag-ahon sa swimming pool in a one piece red bikini si Muñoz na talaga namang vava­voom.

Aliw rin ang kanyang Martian language. Kakatuwa nu’ng siya ay maging ala-San Chai sa Meteor Garden. Panalo ang pagsaklang sa pundya ni Herrera habang nakasakay sila sa broom-broom motor.

Almost child-like ang innocence ni Arci sa eksenang umiiyak siya dahil sa kaganapan kina Aga Muhlach at Lea Salonga sa ‘Sana’y Maulit Muli’ at ‘yung pagtakbo at first time niyang pagligo sa ulanan.

First time rin palang magtambal nina Herrera at Muñoz. Kuwento ni Pepe, “Hindi mahirap makasundo si Arci.

Hindi maarte. Malinaw kung ano ang willing niyang ibigay.

She is a gene­rous actress kaya organic na lumabas sa mga eksena namin ‘yung mga dapat naming gawin. Comfor­table kami agad together.”

Aniya pa, “I feel lucky and blessed na naging kapareha ko siya. I always practice grateful exercises. Kaya ‘yung mga eksena naming iyot, madali lang.”

Ang ‘iyot’ ay ang tawag sa paglipat ng information from person to person sa pamamagitan ng halikan.

Chika ni Arci, wala siyang problema sa mga ­kissing scene basta kailangan.
Ang lips ng kanyang leading lady, ang deskripsyon ni Pepe ay ‘malambot’.

Kay Arci naman, “Wala naman akong naramdamang iritas­yon nu’ng mag-kiss kami ni Pepe. Kay Pepe, ang liit ng lips ko, nakain niya ang lahat ang lips ko.”
Hindi raw siya kinati sa balbas ni Herrera. “Malambot ang balbas niya.” Malambing na hinaplos ni Arci ang facial hair ng l­eading man niya.
***

Jessy, Arjo walang magic sa takilya

May katotohan nga kaya ang chikang nabasa ko tungkol sa box-office results ng mga pelikulang ‘Stranded’ at ‘Last Fool Show’?

Ang box-office lason label kay Jessy Mendiola.

Mabubura pa kaya nga­yong may chika na ang pelikula niyang kasama si Arjo Atayde, may katotohanan kayang hindi pa raw halos naka-P200K plus ang ­opening gross nito?

What does this mean? Na wala pa talagang box-office clout sina Mendiola at Atayde?

Na mas pang telebisyon sila kesa pampelikula?

Makakatulong ba sa pro­ject awareness at more hype kung ang mga respective lover nina Jessy at Arjo, respectively Luis at Maine Mendoza, ay magpapa-block screenings?

On the other side of the box office spectrum, ang ‘Last Fool Show’ na rated B pa man din ang grade mula sa Cinema Evaluation Board at sina JM De Guzman at Arci Muñoz) ang mga lead, how true na underperforming ito with an P800k+ o­­pening gross?

Ang rated B ba mula sa CEB ay ‘belat’ at ‘bagoong’ sa takil­ya? Sina JM at Arci, may mga individual movie hits na, at kasalukuyang magkasama sa isang drama, na ang pamagat ay ‘Kapalaran’, ang kanilang first movie together, sawing kapalaran ba ang sinapit?

Isa pang tanong, akala ko ba, ngayong Abril, may pralala na tuwing Biyernes na ipapalabas ang mga Pinoy movie?

Ano ang nangyari at middle of the week ipinapalabas ang gawang pelikula natin?

Walang magandang kinahinatnan at konklusyon ang mga pagtitipon ng mga stakeholder?

Drawing ang Biyernes showing at nakuryente lahat ang mga sumulat nito?