Abante Tonite Interactive

Lipstick ni Maine kakasa kay Vice

1,518

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Magkano kaya ang lipstick ni Maine Mendoza para sa isang estrellang international make up brand? Walang dudang it will be selling like hot cakes. Balita ko nga sangrekwa na nga raw ang advanced sales.

Bongga ang importance na ibinigay sa Philippine sweetheart, huh. Siya ang lipstick maker at ang shade nito, ang pangalan, @MAINEDCM.

Ang paliwanag niya tungkol sa lipstick, “Opted for a nude shade with matte finish that would work well on a variety of skin tones. I want this to be the universal nude lipstick since you wear it with anything – from casual to formal — at any time of the day regardless of the occassion.”

Ngayong ilang kembot pa eh andiyan na sa merkado ang lipstick ni Maine, kakasa nga kaya ito sa lipstick brand ni Queen Bayot Vice Ganda?

Hindi ba kamakailan, may pa-Guinness nga bang drama si Jose Marie at ang lipstick niya may record pa ngang naitala?

Papayag ba ang Mendoza fanatics at supporters na sa bentahan ng lipstick eh madedehado ang kanilang idolo? Malamang hindi dahil majority naman yata sa kanila ay yayamanin at may budget bumili, huh!

Ang isa pang gusto kong masilayan kung true, ang chikang si Maine nga ba ang only Asian celebrity na magiging endorser of a super alta watch brand.

Kung totoo nga ito, sealed na ang fate ni Mendoza na she truly belongs to the one percent of the Crazy Rich Asians demographic at talaga ngang her name is now part of pop culture history.

Ikaw na talaga, ang biba, bida at bonggang-bongga, Maine Mendoza. ‘Pag natuloy pa ang guesting mo sa FPJ’s Ang Probinsiyano, you are so there na already!

***

Interesado ba tayo na approved na ang annulment nina Sunshine Cruz at Cesar Montano? Next question, please.

Kung ayaw dalawin ni Charice Pempengco ang kanyang lolang nakaratay sa ospital, interesado ba tayo? Ay naku, shame on you na lang Jake Cyrus.

Eh sa hiwalayang Sam Concepcion at Kiana Valenciano, may interest ba tayo? Look na lang tayo sa sky with matching­ itanong natin sa buwan, “the WHO times two?” Ang savage! Hahahaha!

***

Ang diva that you love, naging fashion at pictorial concept consultant dati para sa isang entertainment glossy na nakakalungkot man aminin, kahit­ pa nga sobrang laki ang potential nito, matapos ang ikaapat na issue, gone with the wind at lost in emotion ito sa merkado.

Ang mga artistang naging cover stories namin, para sa maiden issue sina Dennis Trillo kung saan kami ang nagbinyag sa kanyang Drama King, New Ro­yals sina James Reid at Nadine Lustre, at ang the Next Big Thing, ang grupo nina Mark Neumann, Sophie Albert, Ken Chan at Rita Daniela.

Sina Daniel Matsunaga, Jasmin Curtis-Smith at umulit sa cover sina Reid at Lustre.

Ang huling photo shoot at dapat naging cover, sina Enzo Pineda, Rocco Nacino at Steven Silva.

Ang dapat na may next pictorial na, at booked na, may concept, hair and makeup team and location na, sina Julia Barretto at Marco Gumabao.

Kung natuloy ang cover pictorial at stories, bago pa naging big stars that they are now, sa glossy namin dapat unang nakita ang ganda ni Julia at tikas ni Marco.

Fast forward sa kasulukuyan, si Barretto ay nasa Ngayon at Kailanman at ang love, love, love ay si Joshua Garcia.

Si Marco naman, not one, but dalawa ang pelikulang kasama siya. Sa Abay Babes na palabas na, at ang paparating pa lang na Para Sa Brokenhearted.

Marami nga ang nagtatanong sa inyong diva that you love kung kailan ko ba makakadaupang palad ang sexiest young actor alive sa ‘Pinas.

Ay naku dear Abante Tonite readers, tanging mga Pulis Pangkalawakan lamang ang nakaka-alam. Sa tamang panahon siguro and I promise you, it will be worth the wait.

Kaya sa lalaking matangkad at makisig, na maganda ang mukha at tindig, Marco Gumabao, hanapin mo ako! Habulin mo ako.