Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liquor ban, curfew sa Davao pinalawig

0 286

NAGLABAS ng bagong executive order ang Davao City na nag-i-extend sa liquor ban sa mga pampublikong lugar at curfew sa lungsod hanggang Mayo 31, 2021.

Sinabi ni Mayor Sara Duterte, na hangad nilang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 dahil sa mga pagtitipon.

“Based on our experience dati, when we removed that during MGCQ, nag-encourage siya ng mga people na magtipon,” dagdag ni Duterte.

SM food to go Banner Ad

Sa susunod na linggo o sa Marso 31 sana magtatapos ang liquor ban at curfew, na nagsisimula ng alas-9:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Lumalabas na papayagan naman na makalabas ng bahay habang may curfew ang mga may trabaho at negosyo sa mga oras na sakop nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.