Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liquor ban iiral sa Parañaque

0 77

Simula ngayong Lunes, Agosto 2 hanggang Agosto 20 ay tigil muna ang toma sa Parañaque City dahil sa liquor ban na iiral sa lugar sa mga nabanggit na petsa.

Ayon ito sa post ni Mayor Edwin Olivarez nitong Linggo.

“Selling and serving liquor and other intoxicating and alcoholic beverages shall be prohibited in all establishments,” saad sa post.

Ang lungsod ay kasama sa National Capital Region, na isasailalim sa enhanced community quarantine mula Agosto 6 hanggang Agosto 20.

Ang pagbabawal sa pagbebenta ng alak ay bilang paraan na rin upang makontrol ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID sa lungsod. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.