Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liquor ban sa Davao simula na bukas, mga tomador namakyaw

0 92

Uhaw ang bahay alak ng mga manginginom sa Davao City matapos ipag-utos ni Mayor Sara Duterte-Carpio ang executive order (EO) 59 na 24-hour liquor ban mula November 2 hanggang December 31, 2020.

Kabilang sa EO ang pagbabawal na magbenta at uminom ng anumang nakalalasing na alcohol sa pampublikong lugar na naglalayong masiguro ang kaligtasan ng publiko at pinag-iingat sa pinangangambahang coronavirus disease.

Kasabay nito’y nagulat ang lady mayor nang mag-panic buying ang kanyang nasasakupan.

“Dito lang ako nakakita ng mga taong nagpa-panic sa liquor ban. Ano ang nangyari sa inyo? Di ba kayo nahihiya?” tanong ni Duterte sa isang panayam.

Nilinaw nito na pinag-iingat ang lahat dahil kahit nasa loob ng bahay ang inuman ay naroon pa rin ang tsansa na magkaroon ng hawaan at maaari namang ipagdiwang ang panahon ng Kapaskuhan na walang inuman. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.