Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liquor ban sa Pista ng Sto. Niño

0 56

Magpapatupad ng liquiror ban ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa Tondo at Pandacan sa Kapistahan ng Sto.Niño sa Linggo.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay upang matiyak na walang malalabag na COVID protocols sa pagdiriwang ng kapistahan.

Nabatid na binigyan ng direktiba ni Moreno ang lahat ng barangay at miyembro ng Manila Police District(MPD) na istriktong ipatupad ang liquor ban kasama ng mga ordinansang nagbabawal sa pag-inom ng alak sa kalye gayundin ang pagpapatupad ng curfew.

Ang direktiba ay nakapaloob sa Executive Order No. 2, na kumikilala ng pangangailangan ng mas mahigpit na patakaran at reglamento na dapat tugunin sa panahon ng pagdiriwang ng taunang Pista ng Sto Niño sa mga lugar sa Tondo at Pandacan. Ito ay karaniwan ng ipinagdiriwang sa pamamagitan ng mga kasayahan tulad ng party at inuman sa kalye

Gayundin, inatasan ni Moreno si barangay bureau chief Romeo Bagay na gawin ang lahat ng nararapat upang matiyak ang epektibo at mahusay na pagpapatupad ng EO mula Enero 16 hanggang 17, na nagbabawal sa pagbebenta ng lahat ng uri ng inuming alkohol. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.