Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lisensiya ni Abueva 6 na buwan ang bisa

0 135

Anim na buwan lang ang tagal ng professional playing license na ibinigay ng Games and Amusements Board (GAB) sa 15 buwang nasuspindeng si Calvin “The Beast” Abueva.

Ito ang nilinaw ni GAB Chairman Abraham Kahlil Mitra sa pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) online forum Martes kung saan ang lisensiya ay isang “conditional approval” para makita nito ang mga pagbabago sa pag-uugali, paglalaro at pagtupad sa mga pangako ng Phoenix Super LPG player.

“We just want him another chance to prove himself,” ani Mitra matapos na ibalik ang lisensiya pnitong Sabado para makalaro na nitong Lunes sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup elims bubble sa Pampanga.

Related Posts

Hinirit pa ng opisyal na pinanood ng professional sports governing body ang unang laro ni Abueva para sa Fuelmasters kung saan malaking pagbabago ang kanilang nakita sa forward.

“Usually, one-year dapat ang effectivity ng license. Pero gusto natin kasi na maibalik natin ang responsibility natin sa kanya na talagang tutuparin niya ang mga sinabi niya sa atin at ipapakita niya ang kanyang pinaghirapan mismo na mga pagbabago sa kanyang sarili,” dagdag ni Mitra.

“Nagulat nga kami kami kaagad kasi sa unang foul pa lang niya ay offensive foul na agad. Napa-oops kami agad kasi nga kababalik pa lang niya pero maganda naman ang ipinakita niya buong laro,” wakas ng tagapangulo ng GAB sa sesyong mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart, at Upstream Media . (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.