Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lisensiya ni Daniel kinansela ng GAB

0 79

Sinuspende ng Games and Amusements Board nitong Biyernes ang professional license ni San Miguel cager Daniel De Guzman matapos bigong magpakita ang basketbolista sa virtual meeting kasama ang GAB officials.

Ipinatawag kamakailan ng GAB si De Guzman matapos itong masangkot sa akusasyong game-fixing sa isang PBA game na nag-viral sa social media.

“Daniel de Guzman didn’t appear in GAB virtual meet invitation today. For failure to appear he is now blacklisted and admin proceedings shall commence,” hayag ni GAB chairman Baham Mitra.

Related Posts

“He shall not be allowed to use his license in the meantime and if proven guilty he may loose his professional basketball players license.”

Nag-trending sa Facebook kamakailan ang conversation screenshots ni De Guzman na pinagbibintangan na nagbenta umano ng laro sa kanyang mga kaibigan sa laban sa pagitan ng SMB at Barangay Ginebra.

Si De Guzman ay 42nd overall pick ng San Miguel noong 2019 Draft at nakatakda sanang lumaro para sa 3×3 team ng SMB. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.