Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Listahan ng babakunahan dapat sundin – Lacson

0 103

Hindi sang-ayon si Senador Panfilo Lacson sa hirit na maunang paturok ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga opisyal ng gobyerno para ipakita sa publiko na ligtas ito.

“Unang-una may protocol maliwanag siguro hindi magandang pananaw na ang taong gobyerno may kakayanan pa, uunahan mo pa ang dapat mauna so sundan na lang natin ang policy makers kung sino ang dapat mauna,” pahayag ni Lacson sa panayam nitong Sabado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa tanong tungkol sa nilabas na listahan ng mga prayoridad sa bakuna kontra COVID-19, sinabi ni Lacson na mas nasa posisyon ang mga namamahala sa vaccination program at sigurado naman aniyang dumaan ito sa “katakot-takot na debate at pag-aaral”.

“Sa atin, mas higit na sila ang nakakaalam, paniwalaan na natin na tama ang list priorities,” dagdag ni Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.