Abante Tonite Interactive

Listahan ng gun-for-hire sa Pangasinan nabulatlat

484

“Humanda kayo!”

Ito ang pahayag ng Pangasi­nan Police Office (PPO) matapos makakuha ng listahan ng mga gun-for-hire sa nasabing probinsya.

Ayon kay PPO deputy director for administration Police Lt. Col. Norman Florentino, tinututukan na nila ang mga nasa listahan na umano’y sangkot sa gun-for-hire group sa nasabing lalawigan.

Sinabi ni Florentino, bago mag-eleksiyon ay nabawasan ang mga miyembro ng ibang grupo at ang iba ay nabuwag na ng tuluyan.

Ayon kay Florentino, bilang tugon sa isa sa mga 7 point agenda ni PPO provincial director Police Col. Redrico Maranan, kinakailangang mapaigting ang tinatawag nilang Enhance Mana­ging Police Operation at patuloy silang naghihigpit sa pagsita ng mga motorista partikular na sa mga riding-in-tandem.

Ayon pa sa opisyal, dati na nila itong operasyon, minabuti pa din nila itong paigtingin lalo pa ngayon at handa na umano silang makipagsagupaan sa mga nasabing kriminal. (Allan Bergonia)