Abante Tonite Interactive

Listahan ng mga senatorial candidate ilabas na

256

Nanawagan si Senador ­Nancy Binay sa Commission on Elections (Comelec) na madaliin na ang paglalabas ng pinal na listahan ng mga kandidato para sa senatorial election.

Sinabi ni Binay na mahi­git isang buwan na lamang ay magsisimula na ang kampanya para sa national election subalit hanggang ngayon ay wala pa silang numero para sa balota.

“Ang magiging panawagan ko sa Comelec at hanggang ngayon ‘di pa namin alam ang numero namin. Hindi pa sila nagre-release. Kaya nga nag-set sila ng deadlines para ma-fina­lize ang listahan. Pero hanggang ngayon ‘di pa napa-finalize ang final list,” diin ni Binay.

Ipinaliwanag ni Binay na dapat ay Disyembre 15, 2018 pa ang paglalabas ng final list su­balit naurong ng katapusan ng nasabing buwan, ngunit hanggang ngayon ay bigo pa rin ang Comelec na ilabas ito. (Dang Samson-Garcia)