Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Listahan ng mga terorista ilalantad

0 364

Inabisuhan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang Supreme Court (SC) nitong Miyerkoles na ilalabas na ngayong Huwebes, Mayo 13, Huwebes, ang pangalan ng mga indibidwal na itinuturing ng pamahalaan bilang mga terorista.

Kinumpirma ni Esperon sa gitna ng oral arguments sa mga petisyong ipawalang-bisa ang Anti-Terrorism Act of 2020, na sa mga pahayagan ilalabas ang pangalan ng mga terorista.

“There is a resolution of the Anti-Terrorism Council but until we have published this in local papers we will not name them publicly,” sabi ni Esperon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Tomorrow they will come out in the papers,” dagdag pa niya.

Nakasaad sa Implementing Rules and Regulations ng kontrobersiyal na batas na ang mga indibidwal na itinuturing na terorista ay ilalabas sa website ng Anti-Terrorism Council, sa Official Gazette, at sa isang pahayagang may sirkulasyon sa buong bansa.

Nagsasagawa ng oral argument ang SC matapos maghain ng petisyon laban sa naturang batas ang iba’t ibang grupo na kumukuwestiyon sa mga probisyon nito. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.