Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lito, China sanib-puwersa sa bagong show

0 45

Pinasok na rin ng kontrobersyal talent manager-businessman na si Lito de Guzman ang mundo ng hosting.

Magsisimula ngayong araw na ito (February 13) ang kanyang Lifestyle talk show na ‘Sikat Noon, Sikat Ngayon’ sa Euro TV , 4 PM.

Bibida rin sa naturang show ang Social Media Sweetheart na si China Roces at ang talent manager/ columnist na si Throy Catan.

Guests nila ngayong araw na ito sina Arnel Ignacio at Keanna Reeves.

Inalok si LDG (tawag kay Lito) ng owner ng Euro TV kaya susubukan niyang mag-host. Bagong hamon ito sa kanyang buhay dahil madalas ay off cam lang siya.

Kung dati siya ang ini-interview, ngayon siya na ang kakapanayam sa mga personalidad.

Pangarap din niyang ma-interview sina Boy Abunda,Piolo Pascual at Alden Richards.

Sey pa niya hindi niya iiwanan ang pagnenegosyo at pagma-manage ng mga artista kahit may bagong show siyang pagkakaabalahan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.