Abante Tonite Interactive

Lito Lapid gagawa ng batas para sa occupational safety sa TV, movie set

743

Tiniyak ni Senator-elect Lito Lapid na pagtutuunan niya ng pansin sa kanyang panibagong termino ng kanyang panunungkulan ang paglikha ng panukalang batas para sa occupational safety ng mga manggagawa sa telebisyon at mo-vie set.

Ayon kay Lapid hindi lamang ang mga artista kundi ang lahat ng mga nagta trabaho sa telebisyon at pelikula ang dapat na magkaroon ng proteksiyon sa ilalim ng batas.

Ito ay kasunod na rin ng pagkamatay ng multi-awarded actor Eddie Garcia matapos na mapatid sa kable sa kasagsagan ng taping ng isang tele serye ng GMA network.

Nabatid na ang mga stuntman o double ng mga bida sa isang aksiyon na teleserye o pelikula ay dapat na mabigyan ng sapat na proteksiyon sa panahon ng kanilang pagta-trabaho kung sila man ay mamatay o masugatan. (Juliet de Loza-Cudia)