Abante Tonite Interactive

Lito Lapid instant hit sa Cebu

396

Pinagkaguluhan ng kanyang mga tagahanga si dating Senador Lito Lapid nang mangampanya ito sa Cebu noong nakaraang linggo.

Dumagsa ang mga tao sa Badian Sports Complex na nagnanais makita sa personal ang kanilang idolo na gumanap bilang ‘Pinuno’ sa drama series na “Ang Probinsyano.”

Sa nakaraang panayam sa kanya, inamin ni ­Lapid ang malaking impact ng paglabas niya sa naturang drama series para sa kanyang pagtakbong muli sa pagka-senador.

Abante Hiring – IT dep

“Ang laking bagay ng ‘Probinsyano.’ Parang napapalitan na nga ‘yung pangalan ko. Ang tawag sa akin ‘Pinuno,’” ayon kay Lapid.