Abante Tonite Interactive

Lito Lapid tumulong sa mga Taal evacuee

307

Nagbigay rin ng donasyon sa mga apek­tado ng pagsabog ng Bulkang Taal si Senador Lito Lapid.

Pinaabot ng actor-politician ang kanyang tulong kamakalawa, Enero 23, sa pamamagitan ng kanyang anak na si da­ting Porac, Pampanga mayor candidate Mark Lapid.

Ang mga benepisyaryo ng donasyon ng senador ay mga bakwit na nasa evacuation center sa Barangay Muzon sa Alitagtag, Batangas.

Ayon sa pinakahuling update ng National Disasater Risk Reduction and Ma­nagement Coucil kahapon, higit 317,000 katao na mula sa mga lalawigan ng Batangas, Quezon, Laguna at Cavite ang apektado sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal. (Riley Cea)