Abante Tonite Interactive

Lito Legaspi yumao na

0 630

Pumanaw ngayon, September 8 ang beteranong aktor na si Lito Legaspi (77) .

Cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay niya sa Cardinal Santos Memorial Medical Center.

Nakaranas umano ito ng paninikip ng dibdib kaya isinugod siya sa ospital nu’ng Biyernes.

Si Lito ay ama nina Zoren ,Brando at Kier Legaspi.

Habang isinusulat ito ay inaayos pa kung saan ang burol ng aktor.

Ang huling serye na nilabasan ni Lito ay My Special Tatay.

(RFC)